Wala na nga bang saysay ang ipinaglaban nating kalayaan noong apat na araw ng 1986 sa lansangan ng Epifanio De Los Santos Avenue o EDSA?
Nasaan na ang ipinaglabang kalayaan? Nasaan na and diwa ng demokrasya sa bansa?
Ayon sa ‘World Class Mayor’ na si Mayor Edgardo Pamintuan ng Angeles City, na isa rin sa mga EDSA players, wala na ngang saysay ang EDSA. Ilang ulit na ring ginawa ang tinatawag na ‘People Power’ ngunit ito ay nagdulot lamang ng lalong paghihirap sa mga mamamayang Pilipino dahil ginamit lamang ito ng mga oportunistang politiko.
Ang kulay ng ‘yellow’ ay kupas na. Ok na sana sa ang mga Pilipino sa karanasan nila sa namayapang pangulo na si Cory Aquino ngunit ang mga munting nakamit nito ay nabura ni dating pangulong Benigno Aquino III.
Ito rin ang dahilan kung bakit naupo si Presidente Rodrigo Duterte sa Malacanang sapagkat nagsawa ang mga tao. Tignan natin ngayon kung ano ang magiging kahihinatnan ng administrasyong Duterte.
Nasaan na nga ba ang espiritu ng EDSA?
Noong Pebrero 1986, ang mga Pilipino ay nagkapit bisig sa gitna ng daan upang mapatalsik ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Ilang dekada na ang nakalipas, nasaan na ang mga Pilipino?
Ngayon ang larangan ng pakikibaka ay lalong uminit dahil sa social media. Marami na ring ‘fake news’ ang naglalabasan. Suriin nating mabuti ang mga nangyayari sa ating kapaligiran. Ang pagkakamali ay hindi puedeng itama ng isa pang pagkakamali.
Bigyan nating daan ang kapayapaan. Bigyang halaga ang nakamit na kalayaan.