Negosyo sa Bulacan dumadagsa dahil sa matahimik, maayos na seguridad pangkapayapaan

LUNGSOD NG MALOLOS — Dagsa ang pagdating ng mga negosyo sa Bulacan dahil sa matahimik at maayos na kalalagayan pang seguridad sa buong probinsiya.

Ito ang ibinalita ni Gobernador Wilhelmino Sy Alvarado sa nakaraan pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council.

Ayon sa Gobernador, ang patuloy at walang humpay na operasyon ng kapulisan laban sa iligal na droga at krimen ay nagbigay ng magandang imahe sa mga nagnanais magtayo ng negosyo sa lalawigan.

Sinabi ni Alvarado na ang pagdating ng mga foreign investors mula Japan at South Korea ay isang indikasyon na nagtitiwala ang mga ito sa epektibong internal security measures na ipinatutupad ng Bulacan police.

Patunay anya ito lamang taon, binuksan ang Miniso, isang giant convenience store na nagtitinda Japanese products sa SM City San Jose del Monte at maging sa SM City Marilao at Baliwag.

Nagbukas din ng bagong branch ang Honda car sa bayan ng Baliwag. –Ni Vinson F. Concepcion

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews