NFA rice, dumating na sa mga pamilihan sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — May mabibili nang bigas ng National Food Authority o NFA sa merkado matapos dumating ang imported na suplay sa kanilang bodega sa Bulacan.

Sinabi ni NFA Bulacan Manager Elvira Obana na sa ngayon ay may 45,000 sako pa silang stock ng bigas na nasa kanilang bodega.

Ito ay mabibili sa halagang 32 piso kada kilo sa mga palengke at accredited rice retailers.

Dahil sa pagdating ng naturang suplay ay 36 na Bigasang Bayan sa 21 bayan at talong lungsod sa lalawigan ang binigyan nila ng alokasyon na 50 hanggang 100 sako kada araw depende sa kapasidad ng isang tindahan na makapagbenta ng maraming bigas.

Samantala, itinaaas naman sa may 30 hanggang 40 sako ng bigas ang ilalaan sa kanilang 300 NFA-accredited rice retailers kumpara sa dating 10 hanggang 20 sako lamang.

Tiniyak ni Obana na sa pagdagsa ng mga bagong aning palay sa mga kiskisan at pagdating ng imported rice ay maseseguro na may sapat na suplay ng mababang presyong bigas.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews