NLEX namigay ng ayuda para sa mga LGU frontliners

Tumanggap ng kahon-kahong mga essential food items ang mga Local Government Units (LGUs) na nasasakupan ng NLEX Corporation expressway network sa pamamagitan ng kanilang food donation program nanaglalayong mabigyan nito ang mga government health workers sa Metro Manila, North at Central Luzon.

Ang nasabing tollway company, na siyang builder/ concessionaire ng NLEX at SCTEX ay ipinagkaloob ang mga boxes ng food and snacks para sa mga health workers partikular na sa mga nakatalaga sa vaccination sites sa  13 LGUs sa Manila, Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Bulacan, Pampanga, at Bataan. 

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa kanilang social media posts ang Quezon City LGU  Malabon City LGU sa tollway company sa naturang donasyon para sa mga frontliners.

“Maraming salamat sa NLEX Corporation sa kanilang ibinigay. Agad po natin itong ipapamahagi sa ating health workers at front liners,” ayon sa post ng Manila, QC at Malabon LGU.

“The donations are part of our commitment to aid government’s efforts in the fight against COVID-19. Since the pandemic began last year, NLEX and the entire Metro Pacific group are striving to contribute to COVID-19 response efforts which will benefit healthcare workers, host communities, motorists, and the general public,” ayon kay J. Luigi L. Bautista, NLEX Corporation president and general manager.

Maging ang ilang mga Bulacan mayors ay nagpasalamat din sa biyayang natanggap. “Thank you for your donations, NLEX. Salamat sa inyong pagmamalasakit. Malaking bagay ito para sa mga frontliner natin sa vaccination sites,” ayon kay Guiguinto Mayor Boy Cruz.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa aming bayan. Ang mga donasyon na ito ay makakatulong sa ating health workers na katuwang natin sa laban kontra COVID-19. Kagaya nga ng sinasabi ko ang buhay ko, buhay mo ay mahalaga,” pahayag naman ni Pulilan Mayor Maritz Ochoa-Montejo. 

Nitong last quarter, nagbigay din ang NLEX ng food items at mga iba pang pangangailangan ng mga komunidad at mga apektado ng baha gayundin sa mga jeepney drivers na apektado naman ng COVID-19 pandemic. 

Umabot sa 450 jeepney drivers na gumagamit o dumadaan sa NLEX at tinatayang 1,000 pamilya mula sa Caloocan City, Valenzuela City, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Bataan ang nakatanggap mula sa naturang inisyatibo.

Kamakailan ay gumana na ang mga vaccination site sa NLEX Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan na pinangasiwaan ng mga frontliners mula sa Sacred Heart Hospital-Malolos at Metro Pacific Tollways Corporation employee volunteers, na kabilang sa mga facilities na ginamit ng MVP Group Vaccine Task Force para mabakunahan ang 60,000 group employees kasama ang kanilang mga dependents.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews