Nueva Ecija, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa TOYNE 2018

LUNGSOD NG CABANATUAN — Tumatanggap na ng mga nominasyon ang pamahalaang panlalawigan para sa The Outstanding Young Novo Ecijanos o TOYNE 2018.

Ayon kay Provincial Youth Development Office o PYDO Head Billy Jay Guansing, layunin ng taunang TOYNE na bigyang halaga at pagkilala ang mga gampanin at pagtatagumpay ng mga kabataan sa piniling karera o pag-aaral.

Hangad din nito na magsilbing inspirasyon sa lahat na lalong pagbutihin ang pag-aaral at pagsisikap na maabot ang mga pangarap.

Kwalipikado rito ang mga mamamayang Pilipino edad 18 hanggang 30 taong gulang, tubong Nueva Ecija, may mabuting pag-uugali at walang kinahaharap na kaso o naging paglabag sa batas. Mayroong dalawang kategorya: propesyunal at mag-aaral.

Maaring isumite ang mga nominasyon sa tanggapan ng PYDO sa ikalawang palapag ng Old Capitol Building sa lungsod ng Cabanatuan hanggang ika-anim ng Agosto.

Ang mga may katanungan ay maaring tumawag o magtext sa mga numerong 09279183939 o 09059235700.

Maari ding magemail sa [email protected] o bisitahin ang www.facebook.com/nuevaecija. pydo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews