Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bayan ng Bocaue, Bulacan ay pormal na nanumpa si Bocaue Mayor Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna (inset) kay MTC Judge Myrna S. Lagrosa para sa kaniyang ikalawang termino bilang halal na punong bayan mismong sa Pagoda ng Krus Sa Wawa kasabay ng inagurasyon ng Novenasyon ng Mahal Na Krus na Itim sa pagsalubong ng pagdiriwang ng “Pagoda Festival 2019” na gaganapin sa darating na ika-7 ng Hulyo.Ito ay ginanap sa Bocaue River Huwebes ng gabi. Kasamang sumaksi sa kaniyang panunumpa ang kaniyang asawa na si Congressman Sherwin Tugna at panauhing si Pasig -elected Mayor Bicko Sotto. Ipinangako ng alkalde na mas lalong pag-iibayuhin nito ang kaniyang paglilingkod at umasa ang bayang Bocaue na mas produktibo at makabuluhang programa ang maaasahan pa ng mamamayang Bocauenyo (ELOISA SILVERIO )