Pinaniniwalaang makatutulong ang P1-billion Tullahan river dredging at expansion project upang maresolbahan ang pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at karatig lalawigan sa Gitnang Luzon gayundin sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang proyektong “Tullahan-Tinajeros River System dredging project” ay inilunsad ng San Miguel Corporation (SMC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang mga local chief executives ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, Malabon, Valenzuela at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ginanap sa Navotas Centennial Park sa Lungsod ng Navotas City, kung saan ang 36.4-km Tullahan river ay diretso papuntang Manila Bay.
Ang nasabi ring proyekto ay makatutulong sa Manila Bay rehabilitation project para mas mapalakas ang kampanya rito ng gobyerno, ayon sa SMC at DENR.
Inilarawan ni SMC president and COO Ramon S. Ang na sa Tullahan river umaagos ang tubig mula sa Angat at Ipo dam papuntang Manila Bay.
Dahil sa polusyon dulot ng basura mula sa mga kabahayan at illegal structures sa loob ng maraming dekada ay nabarahan na ito, bumabaw at kumitid ang mga daluyan ng nasabing ilog na nagdudulot ng pagbaha sa mga low-lying areas sa lalawigan ng Bulacan partikular na sa tag-ulan.
“This project is a dredging and expansion initiative to address the problems of the Tullahan river. First, we will take out the garbage, and then we will deepen the river so water can move more freely to the Manila Bay,” ayon ka RSA.
Dahil sa katiyakan na hindi na babahain ang lalawigan ng Bulacan, labis ang pasasalamat ni Governor Daniel Fernando sa DENR at SMC sa naturang proyekto.
Ayon sa gobernador, ang Tullahan river system project ay napapanahon dahil sa itatayong pinakamalaki at modernisadong airport sa lalawigan ng Bulacan.
Tiniyak naman ni Fernando at ng mga local chief executive sa Bulacan na 100 percent silang nakasuporta para sa ikabubuti ng proyekto sa nasabing lalawigan.
“For our part, we assure you, this will not be a one-time project. We will also do continuous yearly maintenance, and the dredging equipment we have bought will not be removed here anymore” ayon kay Ang.
Sa paglulunsad, ipinakita ni Ang ang mga bagong dredging equipment na binili ng SMC sa Japan para sa naturang proyekto na kinabibilangan ng mga backhoes with barges, 55-tonner cranes, tugboats at dump trucks.
“One hundred percent, the airport project will not worsen flooding in Bulacan, it will actually solve it. In the first place, foreign banks will not lend money for such major projects if they are not assured that you have addressed all environmental risks,” paliwanag ni Ang.
Bilang paghahanda sa airport ang SMC ay kumuha ng mga expert foreign consultants upang pag-aralan ang flooding situation sa Bulacan.
Alam na rin ng mga ekspertong ito ang mga ilog, creek. tributaries na kailangang linisin, laliman, lawakan upang ma-address ang pagbaha sa naturang probinsiya.
“We will expand our dredging and clean-up operations to include these bodies of water, and provide a long-term and sustainable solution to flooding in Bulacan,” ayon pa kay Ang.