P16.5M panimulang puhunan, ibinigay ng DTI sa mga narelocate sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Nakinabang ang may 2,960 mga narelocate sa Bulacan sa may 16.5 milyong pisong panimulang puhunang ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry o DTI.

Sa ilalim ng Livelihood Seeding Program o LSP, prayoridad na mabigyan ng panimulang puhunang pangkabuhayan ang mga pamilyang inilipat sa Bulacan mula sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay DTI Provincial Director Zorina Aldana, bago ang pagkakaloob ng nasabing puhunan ay isinailalim muna sila sa mga pagsasanay kung paano hahawakan at gagamitin ang puhunan sa pagpapatakbo ng hanapbuhay.

Apat na relocation sites ang nakinabang sa LSP partikular na ang Pandi Village, Pandi Residence 1, Pandi Residence 2 at Logia De Cacarong.

Dalawa naman sa lungsod ng San Jose Del Monte na nasa San Jose Del Monte Heights at Towerville 6.

Mayroon din sa St. Martha Heights sa Bocaue, Balagtas Heights sa bayan ng Balagtas at Norzagaray Heights sa bayan naman ng Norzagaray. –Shane F. Velasco

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews