GUIGUINTO, Bulacan — Kailangan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang pondong 24 bilyong piso sa 2018 para sa skills training ng 1.5 milyong Pilipino.
Sa katatapos na Regional TVET-Technical Vocational Education and Training Stakeholders Conference, sinabi ni TESDA Director-General Guiling Mamondiong na prayoridad ng administrasyong Duterte ang paglikha ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng pagtutok sa limang tinukoy na mga industriya, ang health care and wellness, business processing outsourcing, tourism, construction, at agriculture.
Muli namang bubuksan ng TESDA ang Training for Work Scholarship para sa mga gustong maging caregiver at housekeeping sa mga hotel.
Kaugnay nito, kalakip ng pagpaparami ng pagkakalooban ng scholarship at pagtiyak na makakapasok ang marami sa kanila sa trabaho, ang pagpopondo sa modernisasyon ng mga Regional Training Center ng TESDA.