Nasa humigit kumulang siyam na milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng PNP sa Bataan.
Sa report mula kay Limay PNP chief, Police Major Madtaib Jalman kay Bataan PNP Provincial Director, Police Col. Joel Tampis, sa Alangan checkpoint sa bayan ng Limay naharang ang isang Isuzu truck na may plakang CAP 3305 na minamaneho ni Alberto Gianan, na nabigong makapagpakita sa mga otoridad ng karampatang dokumento ng mga ibinyahe niyang sigarilyo patungo sanang Maynila.
Isinagawa ang operasyon katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company o PMFC at nasabat ang 460 master cases ng iba’t ibang brands ng sigarilyo kagaya ng Marvels, D&B, at Mithy and Tomon, na ayon sa mga representatives ng Philip Morris, Fortune Tobacco Corp. ar Japan Tobacco Inc., aabot sa P9 million ang market value ng mga nasabat nilang smuggled mga sigarilyo.
Dinala sa Bureau of Customs sa Limay ang mga nasabat na sigarilyo para sa karampatan pang dokumentasyon kasama ang driver na si Gianan at pahinante nito na si Benmark Cabubas.