Palarong Pinoy tampok sa “GulayAngat Festival” 

Ginugunita ngayon (Oct. 24) ng bayan ng Angat, Bulacan ang ika-340th taong pagkakatatag o foundation day ng munisipalidad na siya ring huling araw ng weeklong celebration ng “Gunita ng Lahi at Yamang Angat” (GulayAngat) Festival.

Ayon kay Mayor Jowar Bautista, ibat-ibang aktibidad, mga patimpalak ang isinagawa sa nagdaang mga araw kaugnay nga ng pagdiriwang ng “GulayAngat Festival” kung saan isa sa mga inabangan ay ang pagdaraos ng mga palarong sikat sa mga lahing pilipino noong araw 50 taon na ang nakaraan.

Kabilang sa mga palarong sikat noong araw o tinatawag na “Larong Pinoy” ay Palo Sebo, Patintero, Hilahang Lubid, Karera ng Sako, Dama, Sungka, Agawang Buko at Sepak Takraw o Sipa na ginanap sa Franklin Delano Roosevelt Memorial School sa Barangay Sto. Cristo last Oct. 18.

Nasungkit ng Barangay Marungko ang overall champion sa nasabing mga patimpalak na may temang “Laro ng Laking GulayAngat” habang ang Barangay Niugan naman ang itinanghal na 1st runner-up at ang Barangay Sulucan ang 2nd runner-up.

Ang kampeon ng Laro ng Lahing Gulay Angat ay nag-uwi ng 50,000, habang ang ikalawang pwesto ay pinagkalooban ng 30,000 at ang ikatlong pwesto ay binigyan ng 20,000.

Ayon kay Mayor Bautista, ito ang ikalawang taon ng selebrasyon ng GulayAngat Festival at dito rin sinimulan ang pagbuhay sa mga Pinoy classic o native sports na talagang inabangan at nilahukan ng halos 500 mga kabataan.

Kabilang din sa mga activities sa nasabing event ay ang Parada ng Karosa, Indakan sa GulayAngat, Hari at Reyna ng GulayAngat, Hapag ng Pamana cooking contest, Laro ng Laking GulayAngat at GulayAngat Food Park Exhibit.

Ito ay kaugnay ng makabuluhang pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2023 bilang pagpupugay sa ika-340 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Angat.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews