Pasilidad para sa mass immunization inihahanda na ng Samal LGU

Puspusan na ang paghahanda sa pasilidad na pagdarausan ng mass immunization para sa napipintong pagbabakuna sa general public laban sa COVID-19.

Ayon kay Samal Mayor Aida D. Macalinao, kaugnay ito ng inaasahang pagdating ng bulto ng mga bakuna pagsapit ng 3rd quarter ng taong 2021. 

Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, simula Hulyo ngayong taon ay maaari nang mabakunahan ang general public.

Ayon pa kay Galvez, sa darating na Hulyo 2021 ay inaasahan na ang secured at stteady supply ng mga bakuna kontra COVID-19 kung kaya’t mababakunahan na ang adult population. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code