PG Bataan at 7 LGUs nagkamit ng 2019 SGLG Awards mula sa DILG

Nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Lungsod ng Balanga at anim na bayan sa Bataan ang 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government o DILG.

Ayon sa ulat ng DILG Bataan, ang mga nakatanggap ng naturang parangal ay ang Provincial Government ng Bataan, City Government ng Balanga, at mga Local Government Units ng Pilar, Bagac, Hermosa, Dinalupihan, Orani, at Samal.

Ang SGLG ay ang itinuturing na pinakamataas na pagkilala at pinaka prestihiyosong parangal na iginagawad ng DILG sa mga excellent at performing LGUs sa paghahatid ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsunod sa mga “pertinent national laws and guidelines.”

Ang mga nakatanggap ng ganitong parangal ay nagkakaroon ng oportunidad na maka-access ng Performance Challenge Fund o PCF at iba pang programa kagaya ng capacity development assistance mula sa DILG.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews