PH Carabao Center, ipagdiriwang ang ika-26 na anibersaryo

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ — Ipagdiriwang ngayong huling linggo ng Marso ang ika-26 na anibersaryo ng Philippine Carabao Center o PCC kung saan kikilalanin ang ilang indibidwal at samahan.

Ayon kay PCC Applied Communication Section Chief Rowena Bumanlag, ang selebrasyon ay naka-angkla sa temang “Empowering Carapreneurs: Our Purpose in Focus.”

Ang mga kikilalanin aniya ang patunay sa itinataguyod na mandato at paghahatid serbisyo ng tanggapang mapatatag ang kabuhayan ng mga magsasakang nag-aalaga ng Kalabaw.  

Kabilang sa mga parangal na igagawad ay ang Natatanging Magsasaka, Natatanging Kabataan, Natatanging Kababaihan o Juana sa Pagkakalabawan, Gintong Kalabaw Cup, at Outstanding Dairy Buffalo Cooperative. 

Kilalanin din ang mga natatanging kawani na may mahusay na ambag sa ahensya. 

Nakapaloob din sa programa ang pagpapamalas ng mga sariling kasanayan at kwento ng pagtatagumpay ng ilang mga “carapreneurs” o mga magsasaka at negosyanteng hango ang hanapbuhay sa pagkakalabawan.  

Ilan pa sa mga nakalinyang aktibidad ang pagbibigay kasanayan para sa mga kawani, konsultasyon kasama ang mga stakeholders, Farmer’s Field Day, Pre-inhouse research and development review, Knowledge Café, PCC Employees Association General Assembly and Election of New Officers, Employees’ Night, Karwanan, at Sports Day. 

Inimbitahan naman ng PCC upang maging panauhing pandangal sa selebrasyon si Agriculture Undersecretary for Policy and Planning Segredo Serrano. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews