PLAG ordinance, aprub kay Gov. Joet

Unanimously enacted by SP on Sept 12. Approved by the Governor on Sept 27.”

Ito ang naging update ngayong Mierkoles sa Bataan Local Press ni Atty. Mark Quezon, SP Bataan Secretary, kaugnay sa Provincial Legal Awareness Group o PLAG Ordinance. 

Si Board Member Tony “TikTok Lawyer” Roman, tagapangulo ng Committee on Justice, Human Rights and Legal Matters, ang nag-akda at nag-sponsor ng ordinansa.

Layon ng naturang ordinansa na bumuo ng  grupo na magbibigay ng libreng legal na pagtuturo sa Konstitusyon at magpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga pangunahing hakbang sa pambansa at lokal na pambatasan at mga executive orders.

Magsasagawa din ng mga seminars at fora upang matugunan ang mga karaniwang problemang legal. 

Nakasaad sa ordinansa na magkakaroon ng kolaborasyon ang PLAG sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Public Attorney’s Office, Office of the Provincial Prosecutor, Integrated Bar of the Philippines, iba pang grupo ng mga abogado, at mga institusyon sa pagtupad sa mga tungkulin nito.

Mag-oonline din ang PLAG. Nabatid sa pag-aaral na ang ilang Bataeño ay hindi kwalipikadong mag-avail ng alinman sa mga serbisyong iniaalok ng PAO dahil sa indigency test na ipinatupad ng ahensya at ang pro bono service ng mga abogado ay hinihikayat lamang at hindi kinakailangan ng Korte Suprema. 

Ang PLAG ay gagana sa ilalim ng Opisina ng Gobernador at pamumunuan ng Provincial Legal Office.