Policewoman, nagbaril sa sarili patay

Wala nang buhay nang madatnan ng mga kasamahan ang isang policewoman sa loob ng kanyang barracks matapos umano itong magbaril sa sarili sa Camp Cirilo Tolentino, Balanga City nitong Sabado.

Sa inisyal na ulat mula kay Balanga Police Chief, Police Lt. Col. Luis Guisic, kinilala ang namatay na si Cpl. Shalimar Elimansil Sta Cruz, 27 anyos, nakatira sa Dinalupihan, Bataan.

Base sa report, ganap na alas otso diyes nang gabi nitong Sabado nang makarinig ng putok ng baril ang mga kasamahan nito at nang tingnan ay nakahandusay na ito at naliligo sa sariling dugo.

Base sa ilang kasamahan na tumangging magpabanggit ng pangalan, problema umano sa pamilya ang tinitingnan nilang dahilan ng umano ay pagpapatiwakal nito. 

Bago umano nangyari ang insidente ay palagi umano nitong sinasabi na gusto na umano niyang wakasan ang kanyang buhay na ipinost pa umano sa kanyang Facebook page.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews