Positive COVID-19 cases sa Bataan, 89 na

Isang Bataeño ang nagpositibo ngayon sa Covid-19.
Ito ang iniulat ni Bataan Governor Abet Garcia base sa report sa kanya ng PHO ngayong ikalawang araw ng Mayo.

Aniya sa 61 na sumailalim sa test ngayong araw, isa sa mga ito ang nagpositibo.

Dahil dito ay umabot na sa 89 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Bataan. 

Ang bagong kumpirmadong kaso ay isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles.

Sa kabuuan, dalawampu (20) ang nakarecover na at apat (4) ang pumanaw; 809 ang naghihintay pa ng resulta ng test at 1,212 ang nagnegatibo.

Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 2,110 na ang na test sa buong probinsya ng Bataan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews