Pre-arranged tourists pinayagan na sa Bagac

Pre-arranged tourists pinayagan na bumisita sa Bagac upang bigyang sigla ang lokal na turismo.

Ito ang tiniyak ni Bagac Municipal Administrator Nick Ancheta nitong Martes. 

Aniya, sa ngayon ay dalawa na ang resorts o pasyalan ang DOT-approved  at nabigyan ng Department of Tourism ng permit to operate. Ito ang Las Casas Filipinas de Acuzar at Lumiere Resort. 

Sa ngayon ay may 39 beach resorts owners na pawang mga myembro ng Bagac Beach Resorts Owners Association na pinamumunuan ng pangulo nito na si Angelo Bacarro.

Ayon pa kay Admin. Ancheta, ang mga tinatawag na pre-arranged tourists ay yung mga turista na may proper documents na katunayan na may reservations na sila bago magtungo sa kanilang destinasyon sa Bagac.  

Paalala pa ni Ancheta na bukod sa reservation papers ay dapat ay may health clearance certificate mula sa point of origin  at valid IDs bago makapasok sa kanilang control checkpoints. 

“Sakaling nagkaroon ng problema sa health and safety protocols ang mga turista na pumunta dito ay responsibilidad na ito ng resort owners,” pahayag pa ni Ancheta. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews