LUNGSOD NG MALOLOS — Handa na ang Kapulisan sa Bulacan para siguruhin ang ligtas at mapayapang Undas 2018.
May 924 pulis at 2,713 force multipliers ang idedeploy upang umalalay sa mga motorista na tutungo sa mga sementeryo.
Sa isinagawang Red Teaming Conference and Security Deployment Planning kaugnay ng Ligtas Undas 2018, sinabi ni Police Provincial Director Sr. Supt. Chito Bersaluna na ang Bulacan Police Red Team ang naatasang magsagawa ng inspeksyon sa mga police stations at supports units kasama na ang police hubs.
Magkakaroon din sila ng Police Assistance Desks, Motorist Assistance Desks at Traffic Assistance Desks sa mga istratehikong lugar tulad ng sementeryo, bus terminals at point of entry at exit sa North Luzon Expressway.
Pinaalalahan naman ni Bersaluna ang publiko na maging mapagmatyag at siniguro nitong nakahanda ang lahat ng kanilang yunit upang magbantay laban sa mga kriminal na maaring magsamantala kasabay ng okasyon.