Pulis Bulacan, handa na sa Undas 2019

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Handa na ang Pulis Bulacan para sa paggunita ng Undas sa lalawigan.

Ayon kay Police Provincial Director Col. Chito Bersaluna, humigit kumulang 800 kapulisan ang itatalaga sa iba’t ibang strategic areas tulad ng sementeryo, bus terminal at point of entry at exit ng North Luzon Expressway para alalayan ang mga motorista.

Bukod dito, may karagdagang 3,189 force multipliers din ang tutulong sa kapulisan sa pagbibigay seguridad at pagsasaayos ng trapiko.

Pinayuhan ni Bersaluna ang publiko na iwasang magdala ng mga bladed weapons, flammable materials, alak, loud speakers at gaming cards sa loob ng sementeryo.

Pinaalalahanan din niya ang mga motorista na parating i-check ang BLOWBAGETS ng kanilang sasakyan o battery, light, oil, water, brakes, air, gas, engine, tire and self-condition bagong bumyahe. Wag ding kalimutang i unplug ang mga electrical appliances. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews