Pulis NE, nagsagawa ng COVID-19 Rapid Test

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Sumailalim sa COVID-19 Rapid Test ang nasa 145 personnel ng Nueva Ecija Police Provincial Office Headquarters.

Ayon kay Police Provincial Director PCol. Leon Victor Rosete, sa dumaraming kaso ng mga nagkakasakit ng COVID-19 ay mayroon ding banta sa kalusugan ng mga kapulisan bilang mga nasa unahan kontra sa pagkalat nito.

Naging posible ang isinagawang aktibidad dahil sa mga natanggap na donasyong test kits mula sa pribadong tanggapan Bong Cuevas ng Camp Farm sa lungsod ng Palayan.

Nakapaloob sa nasabing donasyon ang tig-500 pirasong facemask at gloves, ang tig-100 pirasong hazmats, goggles, at faceshields pati ang 200 pirasong shoe cover.

Mga police nurses ang nagsagawa ng mga pagsusuri na sumailalim muna sa mga pagsasanay.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews