“Pulis kayo! Hindi kayo mga kriminal. Kung ano anong ginagawa ninyo sa trabaho ninyo!.”
Matinding galit at pagsambit ng “..tang ina” ang sumambulat ng makaharap ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa and pitong pulis ng Angeles City na kabilang sa Angeles City Police Station 5.
Ang pagpatay sa businessman na si Mr Jee Ik Joo ng Angeles City at iba pang mga Koreano sa siyudad at ibang lugal pa sa Central Luzon ay nagpatigil sa “Oplan Tokhang.” Ayon sa estimate, mahigit na 7,000 na ang namamatay sa laban kontra droga.
Pati mga payapang mga Koreano ay dinadawit na ng mga ibang kawatan na pulis na ang intensiyon ay mag akusa, mambugbog, mag extort ng pera at pumatay. Sinira ng mga ibang bulok na pulis na ito ang imahe ng PNP.
“..tang ina nagpulis kayo para magsindikato? Nagpulis kayo para mapahiya yung ating uniform?,” sambit ni Dela Rosa sa mga pulis Angeles na nagmukhang hilong talilong.
Ilang Koreano na kaya ang ninakawan, binugbog at hiningan ng pera ng mga pulis Angeles? Nagtatanong lamang po. Ito rin ang naging tugon ni Dela Rosa ng makaharap ang pitong pulis. “..tang ina nakakahiya kayo, sobra sobra na ang ginawa ninyo. Pang ilang biktima ninyo iyon? Ilang Koreano na ang ginanon ninyo? Ikaw team leader pang ilan na? Sigurado ka yun lang ang ginawa ninyo? Pag may ibang Koreano pa ang mag complain sa inyo, ..tang ina ninyo, tingnan natin kung hanggang saan ang galing ninyo.”
Napagalaman natin na sisibakin sa puesto ang pitong pulis Angeles at ang mga 3,300 na tiwaling pulis ang maaring ilipat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) upang doon makipagbabakan sa kapalaran. Sinabi din ni Dela Rosa na kung sa ARMM ay magpapatuloy ang kanilang mga tiwaling gawain, doon na sila mamamatay sa kamay ng mga residente.
Marami na rin ang mga pulis na nagresign at nag AWOL (absent without leave) sapagkat hindi na nila hinintay pa ang reassignment sa Mindanao. Ang destino sa Mindanao ay parang laro kay kamatayan taliwas sa tiwaling pamumuhay sa Luzon.