PWDs, solo parents may ayuda sa Samal

SAMAL, Bataan – Makakatanggap ng ayuda ang mga persons with disabilities (PWDs) at solo parents sa ilalim ng programang Aksyon-Malasakit Allowance (Ang Puso ng isang AMA).

Ito ang tiniyak ni Samal Mayor Aida D. Macalinao sa kanyang Facebook Page post nitong nagdaang Sabado.

Aniya, base sa Programang Puso ng Isang Ama, dalawang beses kada taon ay makakatanggap ng P500 ang kanyang mga kababayan na bahagi ng grupong ito.

Sa Agosto 17, Lunes ay itinakda ang pamamahagi para sa mga solo parents habang sa Martes. Agosto 18 ang iskedyul para sa mga PWDs.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews