READY, GET SET, INVEST!!!

Ang pagpupundar ng sariling tahanan ay isa sa unang hakbang sa pagbuo ng magandang kinabukasan. Nagdudulot sa may-ari nito ng kaligayahan tuwing nakikita niya ito na kailan ma’y hindi maaagaw ang kanyang pinaghirapan. Sa apat na sulok nito bubunuin nya ang bawat sandali ng kaniyang buhay. Dito rin niya masasamsam ang “Home Sweet Home” dahil sa tahanan nagsisimula at nagtatapos ang isang araw ng katiwasayan ng kanyang buhay.

Bago ang lahat, may mga bagay na dapat isaisip kung gusto mong bumili ng bahay. Kritikal na desisyon ang mamuhunan sa bahay. Ang sumusunod ay mga gabay upang makabuo ng akmang desisyon.

RIGHT TIME, RIGHT AGE

Ayon sa Lamudi.com, edad 18 hanggang 34 ang madalas na bumibisita sa kanilang website. Masasabing mga millenials ang karamihan sa mga naghahanap ng property. Sila rin ang bumubuo sa ¼ na populasyon ng Pilipinas at kalahati sa mga ito ay may pinagkakakitaan o may trabaho na ayon sa online article ng Dotproperty.com. Sa mga edad na ito nagsisimulang mabuo ang kanilang career ano man ang kanilang napiling larangan. Sinusulit din nila ang kanilang kabataan upang makaipon para sa kanilang hinaharap.

DURATION OF STAY

Dapat ring isaalang-alang kung gaano katagal ang iyong pananatili sa lugar kung saan bibili ng bahay. May mga pagkakataon kasing kinakailangan mong magpalipat-lipat ng lugar dahil sa iyong trabaho. Siguruhing permanente na ang iyong pagtira sa isang lugar bago bumili ng bahay. Habang wala pang sariling bahay, makakabuting mag renta muna hanggang sa mapasakamay mo ang susi ng iyong pinapangarap na tahanan.

EMOTION BEFORE INTENTION

Tiyakin munang handa ang iyong isipan sa pagbili ng bahay. Bahagi ng pagtanda ang pagiging mature sa mga desisyon sa buhay, kaya kinakailangan ng disiplina sa paghawak ng pera kung mamumuhunan sa bahay. Kapag ipinangako mo sa sarili mo na magkakabahay ka na, malamang ay isantabi mo ang luho at bisyo. Nararapat na suriin din ang mga pampamilyang pagkakagastusan. Siguruhing hindi ito maaapektuhan ng pagbili ng bahay.

FINANCIAL STABILITY

Kasing halaga ng emosyonal na kahandaan ang pananalapi. Laging tandaan na nakasalalay sa iyong pinagkakakitaan ang kahihinatnan ng iyong pagbili. Dapat na may mailalaan sa pagbayad sa bahay sa kita kung bibili ng bahay matapos tugunan ang pangunahing pangangailangan. Habang maaga pa, mas makakabuting samantalahin na ang kakayahang makapagtrabaho upang makapag-ipon dahil darating ang panahon na ikaw ay magreretiro.

RESEARCH DIFFERENT DEVELOPERS

Masusing pagsasaliksik ang kailangan kung kaninong developer mo ipagkakatiwala ang iyong pinaghirapang pera. May mga nag-aalok ng mga murang pabahay para sa mga simpleng manggagawa, at mayroon ding para sa mga professionals na naghahanap ng malalaking properties. Malaki ang maitutulong ng social media at internet upang lalo pang makilatis ang napupusuang developers.

COMMUNITY MATTERS

Ang mga subdivision kapag nalipatan na ay bubuo ng isang bagong komunidad. Ang klase ng mga naninirahan ay pagpapakita ng uri ng subdivision na binilhan mo ng bahay. Ang kapit-bahayan ay nagpapamalas din ng damayan at pagmamalasakitan.

Ang mga nabanggit ay mga paalala para sa isa sa mga pinakamalaking desisyon sa iyong buhay. Ang pagbili ng bahay ay isang lifetime commitment, kaya mahalagang may gabay ka sa pagtupad ng pangarap na ito.

Kung mapagkakatiwalaang developer, matatag na komunidad, at affordability lang ang pag-uusapan, nangunguna riyan ang FIESTA Communities! Nakapagpatayo na ang FIESTA Communities ng labing-anim na Communities sa Central Luzon! Isa na dito ang FIESTA Communities – San Rafael sa Lungod ng Tarlac kung saan matatagpuan sa 3M Route, siksik sa amenities at swak sa bulsa for as low as P2,147.62 lang kada buwan! Sulit na investment ‘to mga Ka-FIESTA!

 

 

  

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews