ResBakuna Center sa Pilar, Bataan operational na!

Nitong Lunes, June 1, 2021 ay sinimulan na ang pagbabakuna sa unang batch ng mga mamamayan ng Brgy. Panilao sa Covid-19 Vaccination Center sa Pilar, Bataan. 

Bago sinimulan ang pagbabakuna ay personal na nag-inspeksyon si Pilar Mayor Charlie Pizarro nitong Mayo 31 sa Pilar Convention Center sa Brgy. Alauli na pansamantalang itinalaga bilang Pilar Municipal Vaccination Facility. 

Hinihikayat ni Mayor Charlie ang lahat ng mga mamamayan na magpatala at magpabakuna upang sama-sama aniyang labanan at wakasan ang COVID 19 pandemic. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews