Road improvement projects sa bahagi ng SCTEX sa Bataan, tapos na

Natapos na ang mga road improvement project sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX sa Bataan.

Pinangunahan ng NLEX Corporation at ilang lokal na opisyal ang inspeksyon sa itinaas na bahagi ng SCTEX na sakop ng bayan ng Dinalupihan at pagpapailaw sa bahagi ng bayan ng Hermosa.

Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi Bautista, sinimulan nitong unang bahagi ng 2022 ang 150 milyong pisong road raising project sa 640 metro kahabaan ng SCTEX sa DInalupihan upang malunasan ang pagbabaha sa naturang lugar.

Itinaas ang kalsada ng halos 1.8 metro taas kasama ng konstruksyon ng karagdagang mga box culvert at mga bagong drainage structure na kayang sumalo ng maraming volume ng tubig ulan upang tiyaking ligtas ang mga motorista sa pagbyahe sa panahon ng tag-ulan.

Naglagay din ng vetiver grass upang mapigilan ang soil erosion.

Sa bahagi ng SCTEX Dinalupihan Spur at Roman Highway sa Hermosa, naglagay ang pamunan ng LED lights na may habang dalawang kilometro.

Kasama rito ang pagtatayo ng poste ng ilaw, directional signs, billboards at reflectorized metal strips.

Dagdag ni Bautista, ang kaligtsan ng mga motorista na gumagamit ng SCTEX ang kanilang prayoridad gayundin masiguro na ang kanilang mga imprastraktura ay episyente at matatag laban sa mga kalamidad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews