Scrapyard nasunog sa Mariveles, Bataan

Isang malaking sunog ang sumiklab sa Barangay Ipag sa bayan ng Mariveles, Bataan ngayong Sabado.

Ayon sa inisyal na ulat mula kay Mariveles Police chief, Police Lt. Col. Cesar Lumiwes, nagsimula ang sunog ganap na 1:07 ng tanghali sa Purok 6, Barangay Ipag, Mariveles, Bataan sa isang scrapyard na pag-aari ni Bernardino De Jesus.

Kaagad na rumesponde sa fire scene ang Mariveles BFP personnel at ganap na 1:41 p.m. ay naideklarang fire out na ang sunog.

Ayon sa pagtaya ng BFP umabot sa P5,000 ang halaga ng natupok ng apoy.
Wala namang naiulat na nasaktan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code