Single mom from Manila wins P750,000 in ‘Isip Bata’

Nanay Ruby from Manila finally won the coveted pot money of ₱750,000
in “Isip Bata” today after she guessed all three answers of Argus
today in the jackpot round.

“Nagthe-thank you ako kasi pagtution siya ng anak ko. Single mom ako
and wala akong trabaho. Kanina nagdadasal na sana manalo ako kasi
problema ng anak ko yung tuition niya pang-college,” ani ni Nanay
Ruby.

People from the studio, including the hosts and staff, were overjoyed
after Nanay Ruby and Argus’ three answers paired in the jackpot round.
The last question was what kind of toothpaste they used, and they both
chose the answer “nakakapagpabango ng hininga.”

Winning the jackpot prize was an answered prayer for Nanay Ruby as her
daughter’s dreams of finishing her course could come true.

After a few months of hosting the segment, Vice felt Nanay Ruby was
destined to win it to solve her problems.

“Yang ₱750,000 ilang araw, ilang linggo at buwan nating naipon sa
‘Isip Bata.’ Hindi siya madali at agad agad nakuha. Tuwing naglalaro
kami, hinahayaan namin na ang tadhana na pumili kung sino ang mag-uuwi
ng premyo,” she said.

Nanay Ruby brought home a total of ₱761,000, including the ₱1,000
she got from the start of the segment and the ₱10,000 she received
after entering the jackpot round.

Aside from Nanay Ruby, studio contestant Jennilyn also won ₱108,000 in
“Rampanalo,” while RG Mia already secured his slot in the semi finals
round of “Tawag ng Tanghalan.”

Don’t miss the fun in “It’s Showtime,” 12 NN on GTV, A2Z, Kapamilya
Channel, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel,
and Facebook page, iWantTFC, and TFC IPTV. Catch its online show,
“ShowtimeOnline U,” 11:45 AM on It’s Showtime’s YouTube channel.

SINGLE MOM, NANALO NG ₱750,000 SA “ISIP BATA

Dininig ng Diyos ang hiling ni Nanay Ruby nang magtugma ang lahat ng
kanyang sagot kay Argus sa ‘APpair Tayo’ at manalo ng ₱750,000 jackpot
prize sa “Isip Bata” sa “It’s Showtime” ngayong araw.

“Nagthe-thank you ako kasi pagtution siya ng anak ko. Single mom ako
and wala akong trabaho. Kanina nagdadasal na sana manalo anp kasi
problema ng anak ko yung tuition niya pang-college,” ani ni Nanay
Ruby.

Umaapaw nga ang kasiyahan ng bawat tao sa studio nang makitang nagtugma
ang tatlong sagot nina Ruby at Argus. Sa huling tanong, pinapili sila
kung anong klaseng toothpaste ang kanilang gusto at parehas nga nilang
pinili ang “nakakapagpabango ng hininga.”

Nang dahil sa nakuhang pera, sigurado si Nanay Ruby na mapapagpatuloy ng
anak niya ang kanyang kurso sa IT at hindi na lilipat pa ng ibang kurso.

Tila itinadhana naman daw ng Itaas na ipanalo si Nanay Ruby ayon kay
Vice Ganda.

“Yang ₱750,000 ilang araw, ilang linggo at buwan nating naipon sa
‘Isip Bata.’ Hindi siya madali at agad agad nakuha. Tuwing naglalaro
kami, hinahayaan namin na ang tadhana na pumili kung sino ang mag-uuwi
ng premyo,” saad ng Unkabogable star.

Sa kabuuan ay nag-uwi ang single mom mula sa Maynila ng ₱761,000
kasama ang nakuhang isang libo sa simula sa segment at ₱10,000 sa
pagpasok sa jackpot round.

Samantala, isang masayang araw ito sa “It’s Showtime” dahil bukod kay
Nanay Ruby ay nag-uwi ang studio contestant na si Jennilyn ng ₱108,000
sa “Rampanalo” samantalang ganap ng semifinalist si RG Mia matapos niya
manalo today sa “TNT.”

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes
hanggang Sabado sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa
YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin
sa iWantTFC app o iwanttfc.com [1]. Mapapanood din ito sa labas ng
Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime
Online U” tuwing 11:45 AM sa YouTube channel ng “It’s Showtime.”

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews