Nakatakdang buksan ang SM City Bataan sa Marso 2023.
Ito ang kinumpirma sa isinagawang SM City Bataan Tenant Preview kasama ang Bataan Public-Private Partnership and Investment Center nitong nagdaang Nobyembre sa Atrium ng SM City Bataan sa Barangay Ibayo, Lungsod ng Balanga, Bataan.
Layunin ng naturang pulong na i-promote ang mall, makaakit ng mas maraming locators sa SM, at iba pang mga mamumuhunan sa Lalawigan ng Bataan.
Ang SM Supermalls ay pag-aari ng SM Prime Holdings, Inc., isang kumpanyang publicly-listed at isa sa pinakamalaking integrated property developer sa Southeast Asia.
Nilalayon ng SM Supermalls na maging pinakasikat na mall chain sa Asya sa pamamagitan ng patuloy na pagbabago at pakikipagtulungan sa pinakamahuhusay na retailer sa mundo.
Ang kumpanya ay nagsimula noong 1958 bilang Shoemart ni Henry Sy, na may unang tindahan nito sa Maynila. Noong 1960s, pinalawak ng Shoemart ang chain store nito sa iba’t ibang lokasyon. Noong 1972, naging full-line department store ang Shoemart.
Noong 1985, ang kumpanya ay nakipagsapalaran sa supermarket at negosyo sa tindahan ng appliance sa bahay. Binuksan nito ang unang “Supermall” sa parehong taon na pinangalanang SM North EDSA sa Quezon City. (MHIKE CIGARAL)