Summer Saya sa ‘Grand Ka-Fiesta Fam-Ibig Day’

SUBIC, ZAMBALES – Ngayon pa lang ay ramdam na ng ating mga kababayan sa Subic at Castillejos ang summer-sayang hatid ng Grand Ka-FIESTA Fam-ibig day na ipinagdiwang ng FIESTA Communities Subic-Castillejos nitong February 25 at 26, 2017.

Dinaluhan ito ng mga homeowners, potential buyers at mga sales agents na nakisaya at nakiisa sa pagdiriwang na ito. Inumpisahan ito sa pagsalubong ng mga bago nitong homeowners sa Turnover Ceremony na sinundan naman ng mga kwelang palaro.

Pinangunahan ni Mr. Gene Ryan Bautista, Regional Area Manager, ang opisyal na pagbukas ng Swimming Pool kung saan nagpa-raffle ng libreng gamit para sa mga homeowners at sa mga piling home buyers.

Binuo ang ‘Grand Ka-FIESTA Fam-ibig Day’ upang ipagdiwang ang selebrasyon ng pag-ibig na hindi lang para sa mga couples kundi para na din sa buong pamilya, bilang ang FIESTA Communities ay isang komunidad na nagpapahalaga sa pamilyang Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa pinakamalapit na sales office o bumisita lang sa kanilang website: www.fiestacommunities.com

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews