Puno ng mahahalagang aral, kilig, at good vibes ang unang episode ng iWantTFC original series na “Tara, G!” na pinagbibidahan nina Anthony Jennings, Daniela Stranner, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito, Zach Castañeda, at CJ Salonga.
Ipinakilala sa viewers ang solid barkadahan ng Team WISE, kung saan determinado silang iahon mula sa kahirapan ang bayan nila na La Guerta bilang mga dedikadong coffee farmers. Ang negosyo nilang ito ang pag-asa nila sa mas magandang kinabukasan, tulad lamang ng kay Legs (Kaori), na nakapag-aral sa Maynila.
Unti-unti nilang naaabot ang kanilang pangarap dahil naka-jackpot si Rocky (Anthony) sa isang coffee wine client na pumayag bilhin ang kanilang mga produkto. Ngunit, nasayang lamang ito nang bumisita sa La Guerta si Cars (Daniela), isang supladang babae.
Nabasag ni Cars ang lahat ng coffee wine bottles na pinaghirapan ng Team WISE kaya kailangan nilang magsimula muli. Dahil dito, nanganganib na umalis si Jengjeng (Vivoree) sa La Guerta upang makahanap ng pagkakakitaan.
Pinuri ng mga manonood ang pagtuon ng pansin ng serye sa mga coffee farmers at ang nakakaantig na kwentong pampamilya at pagkakaibigan. Nakapasok nga agad ito sa Top 10 most watched shows sa iWantTFC.
Ayon sa Maganda Ba Movie, “Nailalarawan ng “Tara, G!” ang mga hinaing at ang mga pangarap ng mga magigiting nating magsasaka. Also, sa kabila ng mga struggles hindi pa rin nila nakakalimutang magpasalamat at ngumiti.”
“Nakaka good vibes yung barkadahan ng ating mga bida sa series. Sila yung sumisimbolo sa mga kabataan na dapat tularan ng henerasyon ngayon. “Tara, G!” is more than just a teensy kilig flick, napapanahon siya at puno ng aral,” dagdag pa nito.
Magagandang salita rin ang binitawan ng social media influencer na si Francis Sajorda tungkol sa serye, na kinunan ng buo sa Benguet.
“Ang sarap mag-feeling young at Gen Z because of this serye. Maganda ang pagkakatahi sa kwento ng both traditional and modern ways ng Benguet – there’s something for everyone in the series, hindi lang pang-Gen Z. It is a good show with so much heart in it,” sabi niya.
Sa pagpapatuloy ng kwento, mapipilitan si Cars na makisama sa Team WISE upang makabawi sa gulong dinala niya. Makakahanap kaya siya ng bagong barkada?
Samantala, pwedeng makisali sa tawanan at kulitan sa “Tara, G! With Me,” isang live reaction show kasama ang cast na napapanood kada Biyernes sa Facebook page at YouTube channel ng iWantTFC.
Napapanood sa buong mundo ang “Tara, G!” at may bagong episode kada Biyernes, 8 PM (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].