Tatlo natagpuang patay sa Bulacan

Tatlong hindi pa nakikilalang katao, isang lalaki at dalawang babae ang natagpuang patay na pawang mga naka-posas at may mga tama ng bala sa ulo sa Plaridel Bypass Road sakop ng Barangay Malamig, Bustos,  Bulacan kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na report ng pulisya, ang mga biktima ay natagpuang mag-aalas-5:00 ng umaga pawang mga duguang nakahalandusay sa gilid ng nasabing bypass road at hinihinalang biktima ng summary execution matapos magtamo ng mga tama ng bala sa mga ulo.

Nabatid na nakaposas din ang mga biktima nang pagbabarilin ang mga ito mismo sa nasabing lugar dahil sariwa pa ang mga dugo nito sa ulo at katawan.

Ang mga biktima ay tinatayang nasa edad 30 hanggang 50 anyos. Nakasuot ng berdeng blouse ang isa sa mga biktimang babae at ang isa ay nakasuot ng asul at may balot sa ulo habang ang lalaki naman ay nakadagan sa mga ito at nakasuot ng dilaw na tshirt na.

Pawang naka-face mask din ang mga biktima nang ito ay pagbabarilin.

Ayon kay Bulacan Police director Col. Lawrence Cajipe, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga biktima at motibo sa krimen.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews