Top 2 MWP sa Zambales arestado!

Arestado ang Top 2 Most Wanted Person sa lalawigan ng Zambales sa isinagawang police operation ng City Intelligence Unit ng Olongapo City Police Office kasama ang iba’t ibang units ng PNP sa Purok Dos, Barangay San Agustin, Iba, Zambales nitong Martes.

Ayon sa ulat mula kay Police Lt. Col. Leonardo Madrid, hepe ng CIU ng OCPO, kinilala ang nadakip na si Francisco Mayo Jr. alyas Jun Mayo, 52 anyos, taga Subic, Zambales.

Si Jun Mayo na pang apat sa most wanted person municipal level, ay wanted sa mga kasong Murder with no bail recommended at Attempted Murder na may piyansa na P120,000.

Si Mayo ang sinasabing prime suspect sa naganap na shooting incident noong Oktubre 2022 sa Subic, Zambales kung saan namatay ang isang biktima at sugatan naman ang isa pa.

Dinala ang nadakip na si Jun Mayo sa Station 6 ng OCPO para sa kanyang proper documentation at disposition.

Leave a Reply

Your email address will not be published.