TUPAD sa Hermosa at Samal inumpisahan na

Sa pagsisimula ng kanyang ikatlong termino, kaagad na sinimulan ni Bataan 1st District Rep. Geraldine B. Roman ang TUPAD Program para sa pagkakaroon ng pansamanatalang hanapbuhay ang kaniyang mga ka-distrito sa pagtugon sa epekto ng Covid-19 sa kanilang kabuhayan.

Ang TUPAD ay isang safety net program ng DOLE para sa manggagawang nasa impormal na sector gaya ng underemployed or self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19 simula pa noong taong 2020.

Kabilang sa sektor ang mga self-employed, direct hire or occasional workers, house helpers, transport drivers (PUVs, TNVS, pedicab, tricycle, atbp.), small enterprise operators, home workers, sub-minimum wage earners, magsasaka, mangingisda, atbp.

Sa bayan ng Hermosa, ayon kay Congresswoman Roman ay nasa mahigit 440 beneficiaries ang mabibiyayaan nito.

Katuwang ni Rep. Roman ang Department of Labor and Employment sa aniya ay pagbibigay ng bahaging ito ng kanyang #SerbisyongMayPuso sa Unang Distrito ng Bataan.

Sa isang simpleng programa tungkol dito ay dumalo si 1st District Board Member, Bokal Atty. Tony Roman na naglaan ng kaniyang oras upang makaharap ang mga beneficiaries.

“Makakaasa po kayo sa patuloy na #SerbisyongMayPuso at sa mas marami pang programang darating sa bayan ng Hermosa,” sabi pa ni Rep. Roman.

Samantala sa bayan ng Samal ay inilunsad din ang kaparehong programa.

Kasama ang mga staff mula sa tanggapan ni Congresswoman Roman ay sinaksihan ni Samal Mayor Alex Acuzar ang program orientation rito para sa 325 benepisyaryo.

Ang mga TUPAD beneficiaries ay magtatrabaho sa loob ng sampung (10) araw at kikita ng P4,500. o P450 kada araw.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews