Camp Alejo Santos, City of Malolos, Bulacan- HINIHINALANG mga miyembro ng well organized crime group at professional hitmen ang mga suspek na bumira sa hepe ng San Miguel Police na si PLt. Col. Marlon Serna na napatay sa isang hot pursuit operation noong nakaraang Sabado ng gabi.
Sa panayam kay Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), kinumpirma nito na armed and dangerous at professional killers ang mga suspek na nakapatay kay Serna base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group na humahawak sa nasabing krimen.
Ayon sa opisyal mga propesyonal na killer ang mga suspek base na rin sa estilo ng pagpaslang kung saan si Serna ay nagtamo ng tama ng bala sa pagitan ng mga mata mula sa caliber .40.
Ani Arnedo, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon sa naturang kaso habang nadadagdagan pa ang inilaang reward laban sa mga suspek na umabot na sa P1.7-milyon para sa agarng ikalulutas ng kaso.
Samantala, personal na binisita ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang burol ng mgalabi ni Serna sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Kasaa ni Azurin si Police Regional Office 3 director BGen. Jose Hidalgo Jr. at Arnedo nang magbigay pugay at gawaran si Serna ng “Medalya ng Kadakilaan” at ipinagkaloob din ang financial assistance sa asawa nito.
“We already have the identity of the suspects and our personnel are working double time to bring justice to where it should be,” ayon kay Azurin.
“He was fulfilling his duty as law enforcer when confronted with such violent action. His loyalty to the commitment to serve and protect the nation will be remembered,” Sabi pa ni Chief PNP.
Magugunita na si Serna ay napuruhan at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan na riding in tandem sa isang engkuwentro o follow up at hot pursuit operation sa Barangay Buhol na Mangga sa San Ildefonso, Bulacan noong Marso 5, 2023.