1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Bulacan

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin sa magkakahiwalay ng insidente sa bayan ng Sta. Maria at Pulilan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa, Pebrero 4, 2024.

Kinilala ang pinaslang na biktima na si Jemmar Mendoza, 36, may-asawa, residente ng Sitio Perez, Pulong Buhangin, Sta Maria habang kinilala naman ang sugatang biktima na si Aris Magayanes, 42, binata, videographer at residente ng Brgy., Pag-asa, Binangonan Rizal.

Ang biktimang si Mendoza ay binaril sa ulo habang lulan ng kaniyang tricycle ng hindi nakilalang salarin bandang alas-2:50 ng hapon habang ang suspek ay mabili na tumakas gamit ang color gray Yamaha NMax na walang plaka patungo sa di mabatid na direksyon.

Samantala ligtas naman ang videographer na si Magayanes makaraang pagbabarilin din habang sakay ng kaniyang SUV vehicle na Nissan Terra namay plakang GAX 2732 habang binabagtas ang kahabaan ng ne ng North Luzon Expressway sakop ng  Km 45+ 500 NLEX sakop ng Brgy. Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan Linggo ng hapon bandang alas-4:35PM.

Nabatid na nagtamo ng tama ng bala sa balikat ang biktima nang paulanan ng bala ng di nakilalang mga suspek.

Limang tama ng bala ang tinamo ng sasakyan ng biktima sabahagi ng driver’s window side.

Ligtas na ang biktima at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Kasalukuyan nang iniimbistigahan ng kapulisan ang motibo ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews