2 construction workers patay sa riding in tandem sa Bataan

Patay ang dalawang construction workers matapos pagbabarilin kaninang alas 6:20 ng umaga sa Brgy. Alas Asin, Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat mula kay Police Lt. Col. Cesar Lumiwes, hepe ng Mariveles PNP, kinilala ang dalawang napatay na sina Reynaldo Olibia, 40 anyos, at Joan Olibia, 33 anyos kapwa nakatira sa Sitio Dapdap ng nabanggit na Barangay.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad umano ang dalawang biktima patungo sa isang construction site nang biglang tambangan ng dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo saka mabilis na tumakas.

Patay on the spot ang mga biktima matapos  magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nila.

Sa ngayon ay inaalam pa ng PNP ang motibo sa naturang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code