2 katao huli sa Hermosa buy-bust

Aabot sa P40,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa buy-bust operation nitong Hueves ng hapon sa Sitio Maligaya, Culis, Hermosa, Bataan.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Hermosa MPS, PDEA, Bataan DEU sa pamumuno ni Police Capt. Phoe Pangan at ng PIB Bataan.

Sa report mula kay Police Major Jeffrey Onde, Hermosa chief of police, kinilala ang nga nadakip na sina Mahren Capulong, 36, binata at residente ng Pilar, Bataan at Raul Capulong, 45, binata at taga Balanga City.

Nakuha sa kanila ang mahigit isang bulto ng suspected shabu na may street value na 40,000 pesos at P500 marked money.

Dinala ang mga nadakip sa himpilan ng Hermosa PNP para sa proper documentation at disposition

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews