2 patay sa sunog, 15 kabahayan natupok sa Bataan

Dalawa ang patay at hindi bababa sa 15 kabahayan ang natupok ng apoy sa naganap na sunog kaninang umaga sa Brgy Pacar, Orani, Bataan, Lunes ng umaga.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula kay Brgy. Captain Pepito Dionisio sa 15 kabahayang nasunog, 10 ang totally damaged at 5 ang partially damaged.

Nasa 4 na tao naman ang mabilis na naisugod sa ospital at 2 dito na sinasabing mag-ama ang napaulat na unresponsive nang makuha ng rescue team dahil sa pagkakakulong sa nasunog nilang tahanan na nakilalang sina Janine Muyon, 20 anyos at Johnny Muyon, 50 years old, na binawian ng buhay kinalaunan sa Orani District Hospital.

Contributed photo

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at assessment ng BFP sa lugar hinggil sa pinagmulan ng sunog at halaga ng natupok ng apoy.

Rumesponde ang mga pamatay sunog at rescue teams mula sa Orani BFP, Samal BFP, Abucay BFP, Bataan Defender Fire Rescue rescue volunteer, SBMA Fire and Rescue, Balanga City Fire and Rescue, REACT Mt. Samat Group, MDRRMO Orani, Orani Marshall, MBDA Patrol and Medics.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews