3 arestado sa drug sting sa Bataan

Nadakip ang tatlo katao na kabilang sa Isumbong Mo Kay Wilkins (IMKW) target-list sa naganap na buy-bust operation ng joint operatives ng PDEA Bataan Provincial Office at Bataan PPO-PPDEA sa Purok 3, Brgy. Pag-asa, Dinalupihan, Bataan nitong Linggo.

Ayon sa ulat mula kay Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, hepe ng Dinalupihan PNP, kinilala ang mga nadakip na sina Rosalyn Dellaria Adriano, alyas Katya , 31 anyos single, residente ng Purok 3, Pag-asa, Dinalupihan, Bataan; Dalmacio Deang Degano Jr., alyas Jun, 40 anyos, single, truck driver at nakatira sa Purok 3 Pag-asa, Dinalupihan, Bataan; at Lovely Angel Mari Nuqui, alyas Angel, 46, may asawa at residente ng Purok 4, Pag-asa, Dinalupihan, Bataan. 

Nakumpiska sa naturang operasyon ang 2 piraso ng small heat sealed transparent plastic sachets, 2 piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachets na may lamang suspected shabu, na may bigat 10 grams at estimated street value na 68,000 pesos, at isang tunay na 500 peso bill na ginamit na marked money. 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nakatakdang isampang kaso laban sa mga nadakip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code