33 pulis nadagdag sa mga COVID-19 positive

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 kung saan sa ngayon ay umaabot na sa 2,347. 

Sa ulat ng PNP Public Information Office nitong Hueves, panibagong 33 na pulis ang infected ng COVID-19. 

Sa naturang bilang 15 dito ay nakatalaga sa NCRPO, apat sa PRO 4A, tig -dalawa sa PRO4B, PRO 1, PRO 6 at PNP Intelligence Group.

Samantala, tig-iisang pulis na ang nagpositive sa National Headquarters, ITMS, Headquarters Support Service, PDEG, ACG at Crime laboratory.

Dagdag pa sa ulat, sa bilang ng mga nagpositibo, 1,384 na ang  gumaling habang inoobserbahan pa ang 886 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,354 na pulis ang suspect case ng COVID -19, habang labing isang mga pulis na namatay dahil sa COVID -19.