4 buwang sanggol patay sa COVID-19 sa Bataan

Napasama sa siyam na bagong death cases dahil sa COVID-19 ang isang 4 na buwang gulang na sanggol.

Base sa latest report ng Bataan Provincial Health Office, umabot na sa 555 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw na dito sa Bataan dahil sa novel coronaviris disease 2019 o COVID-19.

Ayon pa sa ulat mula sa PHO, nagmula ang biktimang sanggol sa bayan ng Hermosa. 

Ang iba pang namatay ay isang 64 anyos na lalaki mula sa bayan ng Abucay; 50 anyos na babae mula Dinalupihan; 2 babae sa Limay (55 at 71 anyos) at 4 na babae mula sa bayan ng Mariveles na siyang itinuturing na epicenter ng COVID-19 sa Bataan. 

Sa kabuuan as of August 11, 2021 update ng PHO ay nasa 2,478 ang active cases ng COVID-19 sa Bataan, 1,379 dito ay mula sa Mariveles. 

Sa bilang ng mga nabakunahan ay naitala sa 119,141 Bataeño ang fully vaccinated ng iba’t ibang brands ng anti-COVID vaccines at 139, 197 ang naturukan ng 1st dose as of August 11, 2021. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews