4 na bata sa Bataan, patay sa pagkalunod!

Patay ang apat na menor de edad sa naganap na drowning incident nitong Martes ng hapon sa Brgy. Almacen, Hermosa, Bataan.

Ayon sa inisyal na ulat mula kay Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa Police, kinilala ang mga biktimang sina AC Magtanong, 11, AJ Magtanong 11, Reynalyn Magtanong, 13, at Gabriel Santos, 11, pawang mga residente A. Rivera, Hermosa, Bataan. 

Nabatid sa imbestigasyon na nagkaayaang magswimming sa Almacen River ang mga biktima at natyempong napadpad sila sa malalim na bahagi ng ilog na may lalim na mahigit sampung talampakan o ten feet at hindi na nakuhang umahon hanggang sa malunod.

Dinala ang mga biktima sa Dinalupihan District Hospital kung saan sila idineklarang dead on arrival.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews