4 na Libong Trabaho sa DOLE Bataan Job Fair 2023

Nasa 4,000 trabaho o job vacancies ang pwedeng aplayan ng mga job seekers sa isinasagawa ngayong Labor Day Job Fair sa Bataan People Center sa Balanga City, Bataan.

Pormal na binuksan ito pasado alas diyes ng umaga ngayong Mierkoles sa pangunguna nila Bataan Governor Joet Garcia , Vice Governor Cris Garcia, BM Benjie Serrano, DOLE ARD Alex Inza Cruz, DOLE Bataan PD Leilanie Reynoso at PESO Bataan Eva Basalo.

Nasa 42 local at overseas employers ang lumahok sa naturang job fair. 

Nagbigay din ng mensahe via pre-recorded video messages sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DOLE Sec Bienvenido Laguesma. 

Namahagi din ang DOLE sa ilang piling beneficiaries ng mga starter kits sa various retail at rice retailer businesses at checks sa ilang mga SPES beneficiaries.

Nitong nagdaang Mayo a uno at Mayo a dos ay umabot sa 329 ang hired on the spot o HOTS sa mga nauna nang isinagawang job fair sa iba pang panig ng Central Luzon kabilang na ang Pampanga, Bulacan at Olongapo City.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews