403 indibidwal sa San Marcelino, nabakunahan na kontra COVID-19

IBA, Zambales — May 403 indibidwal na sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa numerong iyan, 67 ang nakuha na ang ikalawang dose. Kabilang sa mga nabakunahan ang mga healthcare workers at senior citizens.

Ayon kay Mayor Elvis Ragadio Soria, mahalaga na makamit ang full vaccination upang makuha ng isang indibidwal ang full efficacy at proteksyon laban sa COVID-19. 

Ang pagbabakuna ng Sinovac ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa susunod na linggo.  –Reia G. Pabelonia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code