48IB, nagbigay pugay sa mga babaeng sundalo

 12 

LUNGSOD NG MALOLOS — Binigyan ng pagkakataon ng Army 48th Infantry Battalion o 48IB ang kanilang mga kababaihang sundalo na maranasan ang paghawak ng mas mataas na posisyon sa Sandatahang Lakas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day, 

Sa ginanap na selebrasyon, umakto bilang mga troop commanders, platoon sergeants at squad leaders ang mga female officers at non-commissioned officers upang ipakitang may pantay na karapatan ang mga kababaihan sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay 48IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, tinitiyak nila na may mahalagang papel na ginagampanan ang kanilang babaeng sundalo upang mas lalo itong matuto at mapataas ang kanilang kakayahan.

Ani Valdez, may karapatan anya ang mga itong maging lider at sana maging isa itong inspirasyon sa iba pang kababaihan nais maging sundalo.