80M halaga ng shabu nasabat sa police operations sa Zambales

PALAUIG, Zambales — Aabot sa 80 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang police operations sa Iba Zambales kaninang umaga.

Sa report ng PNP Maritime Group, natagpuan ang sampung kilo ng shabu sa isang abandonadong speed boat sa dalampasigan ng Palauig Zambales ganap na alas onse Biernes ng umaga.

Ayon sa ulat mula sa Zambales Police Provincial Office, nakabalot ito sa limang pakete na tinatayang may bigat na 2 kilo bawat pakete.


Dinala ang mga narekober na ilegal na droga sa SOCO Provincial Office ng Zambales para sa karagdagan pang imbestigasyon at pagsusuri.