981 pulis inoobserbahan dahil sa posibleng sakit na COVID-19

CAMP CRAME- Umabot na sa 981 na mga pulis ang inooserbahan ngayon dahil sa posibleng pagkakaroon ng Corona Virus Disease.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen Bernard Banac, 76 na pulis ang itinuturing na ngayong Person Under Investigation (PUIs) habang 905 na mga pulis naman ang Person Under Monitoring (PUMs).

Sa kasalukuyan ay patuloy silang minomonitor ng PNP Health Service ang kondisyon ng mga pulis.

Nagpapatuloy rin ang pagsusuri ng mga PNP Doctor ang dalawang pulis na positibo sa COVID-19.

Nilinaw din ni Banac na ang dalawa nilang tauhan na namatay na sina PSSgt Roderick Taca ng CIDG Manila at PSSgt Feliciana Malana ng HPG ay negatibo sa COVID19 .Ayon sa opisyal, namatay sila sanhi ng ibang karamdaman.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews