58 exhibitors, lumahok sa 2nd ASPIRE trade fair

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — May 58 agri-entrepreneurs at agri-processors mula sa Gitnang Luzon ang lumahok sa ikalawang Agribusiness Support for Promotions and Investment in Regional Expositions o ASPIRE na ginanap sa Robinsons Starmills.

Ayon kay Department of Agriculture o DA Regional Director Roy Abaya, ang ASPIRE ay isang programang naglalayong itampok ang mga pangunahing commodities ng rehiyon at ipakilala ang mga magsasaka sa mga mamimili at processors.

Aniya, isa itong istratehiya kung saan nalalaman ng mga mamimili kung anu-ano ang mga produktong nasa merkado. Sa pamamagitan din nito, nalalaman ng mga magsasaka at processors kung ano ang mga produktong may mataas na potensyal sa lokal na pamilihan at pang-eksport.

Dagdag pa ni Abaya, nakatutulong ang ASPIRE upang hikayatin ang mga mamumuhunan sa agribusiness na magkaroon ng dagdag na kita.

Kabilang aniya sa mga pangunahing kalakal ng rehiyon na ineeksport ang okra, kamoteng kahoy, patatas at mga lamang-tubig.

Bukod sa mga trade fairs tulad nito, sinabi rin ni Abaya na nagbibigay sila ng teknikal na tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang dito ang pamimigay ng mga binhi tulad ng palay at ng mga makinarya, patubig atpost-harvest facilities upang mapababa ang gastos nila sa produksyon at mapataas ang kita nila.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews