SBMA, target ang mas maraming turistang Taiwanese

SUBIC BAY FREEPORT ZONE — Target ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA ang mas maraming turista sa Freeport nito matapos ilunsad ang Taipei-Clark flights.

Kaya naman sinalubong kamakailan ni SBMA Chair and Administrator Wilma T. Eisma ang ilan sa mga Taiwanese bloggers na tutulong maipakilala ang Freeport sa kanilang lugar.

Umaasa si Eisma na dahil sa mga blogger na ito ay mas maraming mga Taiwanese ang ikokonsidera na isama sa kanilang itinerary ang Subic pagbisita sa Pilipinas.

Base sa datos ng Department of Tourism, Taiwan ang pag-anim na pinakamalaking tourist arrivals sa bansa mula Enero hanggang Marso 2018 na umabot ng 60 libo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews